Friday, November 02, 2007

Tagtuyot

Hahaha nagiging madada na ko, palatandaang nagiging anxious na ko para sa nalalapit na pagbubukas ng klase... Excited na ako, pero kahit na alam kong focused ako, alam ko ring iba talaga kapag alam mong hindi mo na mapipigil pa ang panahon kapag nagsimula na ang lahat... Handa na nga ba talaga ako?

Isang bangungot ang nakalipas na semestre... Tulad nga ng nasabi ko sa isa kong kaibigan, parang nakaranas kaming lahat, lalo na ako, ng tila isang tagtuyot, na para bang kahit na alam mong binibigay mo na nga ang lahat, parang kulang pa rin at hindi umaabot ang grades mo sa passing... Sana, sana nga, hindi na mangyari ulit iyon...

Hahahah pagpasensyahan niyo na kung laging paputol putol ang mga posts ko... Hindi lang talaga masyadong organisado ang aking isip ngayon...

Hanggang sa muli! Cheerios! :D