Saturday, November 24, 2007

Lessons

Ngayon ko nare-realize, totoo, wala nga sa grade ang lahat... Wala yan sa dami ng mga unong nahakot mo noon, o sa mga perfect quizzes na nakuha mo ngayon... Siguro, makakakuha ka nga ng mataas na posisyon pagkakuha mo ng trabaho, pero kinalaunan, lalabas at lalabas rin kung ano ka talaga... At iyon ang papatay sa'yo...

Hindi nga batayan ang mga grades sa kung ano ang tao at kung ano ang nalalaman niya... Mas lalong hindi nito nasusukat just what stuff you're made of... Mas importante nga ang puso kaysa talino... Tulad na rin ng nasabi ko noong isang araw, it's how much heart you put in the doing that matters...

Hindi ito excuse, at mas lalong hindi ko sinasabing hindi mahalaga ang grades. Pero life's greatest lessons don't come from books... Totoo iyon...