Pangako
***This is one of my rare tagalog posts... Please bear with me.. Para kasing namental block ako sa english e.. *********** July 3, 2005 ala una ng madaling araw:
Lumabas na ang aking iskor sa aking unang pagsusulit sa Kasaysayan ng Pilipinas... 28/30.... ARGHHHH! Dalawang puntos na lamang at perfect na sana ako... Dibdiban pa naman ang aking pag-aaral dahil nais kong makatamo ng honors..... Inulit ulit na basahin at isaulo ang mga datos nang mahigit tatlong beses.. hayyyy.. sayang talaga... disappointed ako sa sarili ko.. =(
Ibinigay na rin ang aming mga marka sa drawing.. Dito'y mas lalo akong pinanghinaan ng loob... 84/95.... Biruin mo naman, pinagpaguran ko iyon ng isang buong araw.. Nagxerox pa naman ako ng mga parapernaliya mula sa aking kamag-aral sa pag-asang makakuha ng mataas na antas... at labing isang puntos ang aking itinapon lamang??? Nakapanghihinayang talaga.. at ngayon pa sa aking ikalawang drawing activity ay sigurado na akong may 18 puntos akong mawawala... 77 na lamang ang pinakamataas kong makukuha.... e paano pa ako magkakahonor nyan????
Nagmadali akong pumunta sa aking alma mater kahapon ng hapon... Pagkatapos na pagkatapos ng aming theology, sumakay agad ako ng dyip.. Nakarating ako bandang 1:30, ngunit wala akong nakitang kakilala o di kaya'y gurong humubog sa akin sa apat na taon kong pamamalagi sa sekundaryang pag-aaral... (Really really sad.. Sighs... )
Umupo lamang ako roon sa may bandang tabi.. Nakatanaw sa malayo.. nag-iisip isip kung ano ang aking naging pagkukulang.... Sa totoo'y hindi ko alam.. Kung matulog nga ako'y alas onse na dahil sa pagbabasa ng mga napakakapal na libro namin... Manood man ako ng tv ay halos hindi lalampas ng isa't kalahating oras.. Bibihira na ring magonline.... Ewan ko ba.... Grabe talaga ang aking pagkabigo sa aking sarili..
Alas tres y media na rin nang makauwi sa bahay.. hindi makakain at pagod na pagod... Naroon lamang sa aking kama, nakatanaw muli sa langit na para bang naghahanap ng sagot sa napakarami kong katanungan... "Kaya ko ba talaga?" ang paulit ulit na pumasok sa aking isipan...
Kung iisipin ng iba, napaka OA ko naman... para lamang sa 2 puntos at 11 puntos ay kulang na lang iumpog ko sa pader ang aking ulo.. Ngunit..... hindi ba't sa mga ginagawa ko'y nararapat lamang na maperpek ko na ang mga ito? E paano na lamang kaya kung hindi pa dibdibang paggawa't pag-aaral ang aking ginawa??? E di bagsak pa ako...
Hayyy... ano pa kaya ang dapat kong gawin????
At sa madilim na gabing bumabalot sa akin, di ko maiwasang mapaluha ng bahagya sa aking pagkukulang ..
******** updated July 3, 2005 alas tres y medya ng hapon
Hindi.... Mali itong nararamdaman ko... Kung ako'y uupo lamang at pag-iisipan ang nakaraan, tiyak na mapag-iiwanan ako ng panahon..
Oo, ngayo'y bagsak nga ako... Ngunit bukas.... natitiyak kong babangon ako muli....
Natatawa ako sa mga nasabi ko't nagawa kaninang madaling araw.. Hindi naman maibabalik ng luha ang nakaraan di ba?? At isa pa, hindi naman maitatama ng mga salita ang mga mali.. Ang dapat lamang ay ipagpatuloy ang pagtakbo ng buhay, at mas lalo pang pagbutihin ang mga susunod na pagsubok, upang sa huli'y mabibigyan ko rin ng kasatuparan ang aking mga adhikain..
Salamat sa Diyos, ako'y naliwanagan rin....
At bagama't may mali ako sa aking pagsusulit sa nakaraan, babawi ako...
Ito ang aking ipinapangako....